“Ang hindi magmahal sa kanyang salita, mahigit sa hayop at malansang isda.”
sa kanyang salitang kaloob ng langit.
sanlang kalayaa’y nasa ring masapit
katulad ng ibong nasa himpapawid.
Pagkat ang salita’y isang kahatulan
sa bayan, sa nayo’t mga kaharian,
at ang isang tao’y katulad, kabagay
ng alin mang likha noong kalayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
mahigit sa hayop at malansang isda;
kaya ang marapat, pagyamaning kusa
na tulad ng isang tunay na nagpala.
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagkat ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
Ang salita nati’y huwad din sa iba
Na may alpabeto at sariling letra
Na kaya nawalay dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.
No comments:
Post a Comment